_pang-masa
^

P68 milyong shabu samsam sa Parañaque buy-bust

Ludy Bermudo (Pang-masa) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Parañaque Police matapos masamsam ang may 10 kilo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P68 milyon sa isang hinihinalang bigtime na tulak ng droga sa ginawang buy-bust operation sa Ninoy Aquino Ave., Brgy. Sto. Nino, Parañaque City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, P/Major General Vicente Danao Jr. ang naarestong suspek na si Ralel Barauntong alyas “Boss”, 29-anyos.

 Sa ulat, nagkasa ng ope­rasyon dakong alas-7 ng gabi sa naturang lugar ang pinagsanib na pu­wersa ng PDEA-NCR, Parañaque Police at operatiba ng Police Sub-Station 3, kung saan nakabili ang isang poseur buyer ng shabu sa suspek.

 Hindi na nakapalag ang suspek nang dakmain ng mga pulis at nakuha sa kanya ang 10 kilong shabu, isang Nokia cellphone na ginamit sa transaksiyon, isang Chevrolet Opra na may plakang ZMX 519 at 10 bundle ng boodle mo­ney na may isang P1,000 genuine bill.

DRUGS PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with