_pang-masa
^
Chinese na kinidnap nasagip, 6 timbog sa raid
Nasagip ng mga miyembro ng Parañaque Police ang 20-anyos na Chinese national na dinukot habang nadakip ang anim na hinihinalang abductors nito sa isinagawang pagsalakay sa isang condominium sa Parañaque City nitong Biyernes ng gabi.
Miguel de Guzman

Chinese na kinidnap nasagip, 6 timbog sa raid

Ludy Bermudo (Pang-masa) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matagumpay ang isina­gawang pagsalakay ng mga awtoridad matapos nilang masagip ang isang dinukot na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) Chinese worker habang naaresto ang anim na hinihinalang kidnaper nito sa Parañaque City noong Biyernes ng gabi.

Ang na-rescue na dayuhan ay si Li Le Le, 20-anyos, nakatalaga sa POGO Customer Service at residente ng Bayport West, Barangay Tambo, Parañaque City.

Kinilala naman ni Parañaque City Police chief, Colonel Maximo Sebastian, Jr. ang mga suspek na sina Chen Shiduan, 47,  ng Washington Tower, Brgy. Don Galo;  Chen Lianxing, 37, ng Reina Regente St. Binondo, Maynila; kapwa Chinese national; mga Pinoy na sina Joseph Cardona, 52  ng Batasan Hills, Quezon City; Benedicto Manicad, 48, ng Purok 3, Brgy. Santor, Malolos, Bulacan;  Raphael Milang, 37, ng Brgy. San Antonio, Sto Tomas, Batangas at Nida Bagtas, 49, ng C-2 Capulong Road, Tondo, Manila.

Sa ulat, nagpasaklolo ang ilang POGO workers sa Parañaque Sub-Station 3 hinggil sa kaibigan nila na ikinulong ng ilang indibiduwal sa 19th floor ng Washington Tower Marina Bay sa Barangay Don Galo.

KIDNAPPING POGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with