_pang-masa
^
15-17 anyos, 65 pataas puwede nang lumabas
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, pumayag ang Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na makalabas ang mga edad 15-17 at 65 pataas para sa isinasagawang rehistrasyon ng national ID.
Philstar.com/Graphics by John Nicole Villamayor

15-17 anyos, 65 pataas puwede nang lumabas

Malou Escudero (Pang-masa) - May 8, 2021 - 12:00am

Para sa national ID registration

MANILA, Philippines — Inanunsyo kahapon ng Malacañang na papayagan nang makalabas ang mga edad 15 hanggang 17 at 65 pataas upang makapagparehistro ng national identification (ID) sa Philippine Identification System (PhilSys).

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, pumayag ang Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na makalabas ang mga edad 15-17 at 65 pataas para sa isinasagawang rehistrasyon ng national ID.

“Samantala, pinayagan po ng inyong IATF na makalabas ang edad kinse hanggang disi siyete pero para lamang po sila ay makapagre­histro dito sa Philippine Identification System. Uulitin ko po, ang mga menor de edad 15 to 17 kasama rin po ang mga seniors, iyong mga above 65 eh palalabasin lang po ng kanilang mga tahanan para po magrehistro sa Philippine Identification System,” ani Roque.

Bagaman at maaa­ring magparehistro sa online, ang susunod na step ay ang personal na pagpunta sa isang regis­tration center para sa pagbibigay ng biometric information at pagpapakuha ng larawan.

Nauna rito, hindi pinapayagang lumabas sa mga lugar na sakop ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang mga edad 18 pababa at 65 pataas maliban na lamang kung bibili ng mga panguna­hing pangangailangan o magtatrabaho.

NATIONAL ID
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with