_pang-masa
^
COVID-19 test sa mga biyahero inaprub ng IATF
Layunin ng bagong proseso na matiyak na na-isolate nang mabuti ang mga biyaherong dumarating sa bansa upang maputol na ang hawahan ng virus, paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
The STAR/Miguel de Guzman

COVID-19 test sa mga biyahero inaprub ng IATF

Danilo Garcia (Pang-masa) - May 8, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 Response ang rekomendasyon ng Department of Health na “revised protocol” para sa mga bagong dating na biyahero na maisailalim sa COVID-19 test, pitong araw pagkarating nila sa bansa.

Layunin ng bagong proseso na matiyak na na-isolate nang mabuti ang mga biyaherong dumarating sa bansa upang maputol na ang hawahan ng virus, paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Nabatid na dati ay isinasailalim sa pagsusuri ang mga biyaherong Pinoy at mga dayuhan, lima o anim na araw lamang matapos silang dumating sa Pilipinas.

Nagpasya naman ang DOH na irekomenda ang pagbabago sa testing po­licy at gawin itong isang linggo matapos na matuklasan ng mga eksperto na ang “viral load” ng isang pasyente ay mataas pa rin sa ikapito o ikawalong araw nito.

Gayunman, nilinaw ni Vergeire na hindi nila nire-require ang COVID-19 testing para sa mga Pinoy na palabas ng bansa at sa halip ay depende na ito sa ahensiya sa bansang destinasyon o patutunguhan nito.

COVID-19 IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with