_pang-masa
^
Duterte atras sa debate vs Carpio
Inanunsiyo mismo ni Roque ang pagkakatalaga sa kanya ni Duterte upang makipagdebate kay Carpio.
STAR/File

Duterte atras sa debate vs Carpio

Malou Escudero (Pang-masa) - May 8, 2021 - 12:00am

Ipinasa na lang kay Roque

MANILA, Philippines — Umatras si Pangulong Rodrigo Duterte sa inaabangan na public debate nito kay retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio at sa halip ay itinalaga niya si presidential spokesperson Harry Roque na siyang kanyang kinatawan.

Inanunsiyo mismo ni Roque ang pagkakatalaga sa kanya ni Duterte upang makipagdebate kay Carpio.

Sinabi ni Roque na handang-handa na sana ang Pangulo sa debate pero pinayuhan siya ng mga miyembro ng Gabinete kasama si Executive Secretary Salvador Medialdea na kinatigan nina Senate President Vicente “Tito”Sotto III at Sen. Koko Pimentel na walang mabuting idudulot ang debate sa mga Filipino.

Nanindigan din aniya ang mga miyembro ng Gabinete na hindi dapat payagan na si Duterte ang makipag-debate sa isang ordinaryo nang abogado.

Mahirap din aniyang humarap mismo ang Pa­ngulo dahil lahat ng sasabihin nito ay makakaapekto sa polisiya ng gobyerno.

Sinabi ni Roque na parang hindi tabla kung ang Presidente mismo ang haharap kay Carpio. Ani­ya, payag din siya kahit magsanib-puwersa pa sina Carpio at dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario sa pakikipag-de­bate sa kanya.

Kung matutuloy, partikular na pagdedebatehan nina Roque at Carpio ang isyu tungkol sa West Philippine Sea.

Matapos maghamon ng debate si Duterte, nagprisinta ang Philippine Bar Association na mamamagitan sakaling matuloy ito.

Related video:

ANTONIO CARPIO RODRIGO ROA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with