_pang-masa
^
Eleazar wawalisin ang scalawags sa PNP
Pormal nang ipinasa ni outgoing PNP chief Gen. Debold Sinas ang “symbolic saber” kay incoming PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa harap ni Interior Sec. Eduardo Año sa ginanap na Change of Command ceremony sa Camp Crame kahapon.
Boy Santos

Eleazar wawalisin ang scalawags sa PNP

Doris Franche (Pang-masa) - May 8, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang maibalik ang tiwala, dignidad at maresolba ang problema sa loob ng Philippine National Police, ipatutupad ng bagong talagang PNP chief na si Gen. Guillermo Eleazar ang intensified cleanliness policy (ICP) kabilang ang pagwalis sa mga police scalawags sa loob ng ahensiya.

 Sa kanyang assumption speech, sinabi ni  Eleazar na kailangan na kailangan ng  PNP ang  ICP na kinabibilangan ng Intensified Cleanliness Policy in the Offices, Intensified Cleanliness Policy in the Ranks, at Intensified Cleanliness Policy in the Community.

 Sa ilalim ng ICP in the Offices, titiyakin niyang  ang lahat ng presinto at police stations ay malinis at presentable habang tututukan naman ang paglilinis ng mga scalawags at reporma sa proyektong PNP ang ICP in the Ranks. Ang peace and order sa buong bansa ang prayoridad ng ICP in the Community na kinabibilangan ng street crimes, illegal drugs, communist insurgency at terrorism, cybercrime at maging  ang COVID-19 crisis.

GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with