_pang-masa
^

Higit 1,000 violators dinampot sa Maynila

Danilo Garcia (Pang-masa) - May 8, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa mahigit 1,000 indibidwal kabilang ang ilang dayuhan ang pinagdadampot ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) dahil sa paglabag sa health protocols at curfew sa iba’t ibang lugar sa Maynila nitong Huwebes ng gabi.

Aabot sa 564 ang di­nam­pot dahil sa paglabag sa curfew at 450 naman sa iba’t ibang ordinansa.

Sa Ermita, nagpapatrolya ang mga tauhan ng Ermita Police Station nang mamataan ang isang grupo na lumalabag sa curfew na agad pumasok sa isang establisimiyento. Sinundan sila ng mga pulis at tumambad sa kanila ang mga nag-iinumang mga lalaking kustomer kabilang ang ilang dayuhan at mga babae sa kabila ng curfew kaya sila inaresto dahil sa paglabag sa social distancing, at walang mga suot na face mask at face shield.

Walang humarap na manager ng establisimiyento. Nasa 20 ang dinampot ng mga pulis para maidokumento ngunit pumalag at nagmura ang isang dayuhan kaya na napilitan siya posasan ng mga pulis.

CURFEW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with