_pang-masa
^

12 Pinoy seaman na may COVID-19 nasagip

Danilo Garcia (Pang-masa) - May 8, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasagip ng mga tauhan ng Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng Bureau of Quarantine (BOQ) ang nasa 12 Filipino seamen na positibo sa COVID-19 sakay ng kanilang barko nitong Mayo 3 matapos silang tanggihang makapasok sa Vietnam.

Agad na binigyan ng medikal na atensyon ang 12 tripulante na COVID-19 positive kung saan dalawa sa kanila ay nasa kritikal na kondisyon.  Nasa ligtas na kalagayan naman ang 9 pa nilang kasamahan na sakay ng M/V Athens Bridge.

Nabatid na may travel history ang barko sa India at inisyal na nagtungo sa Vietnam ngunit tinanggihan ng mga awtoridad doon.  Dahil sa puro Pilipino ang 21 tripulante na sakay, agad na nagtungo sa Pilipinas ang barko ngunit hindi muna agad na pinadaong ng BOQ.

Makaraan ang pormal na kahilingan ng ahente ng Ben Line Agencies, ang may-ari ng barko, napagdesisyunan ng BOQ katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG), Department of Transportation (DOTr) at Philippine Ports Authority (PPA) na sagipin ang mga tripulante.

COVID-19 DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with