_pang-masa
^
Fishing ban ng China, âdi kikilalanin
Giit ni NTF-WPS Chairman Secretary Hermogenes Esperon, hindi kasama sa ban ang mga Pilipinong mangingisda sa karagatan ng bansa.
The STAR/Geremy Pintolo, file

Fishing ban ng China, ’di kikilalanin

Doris Franche (Pang-masa) - May 7, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ng National Task Force-West Philippine Sea na hindi kikilalanin sa karagatang sakop ng teritoryo ng Pilipinas ang idineklara ng China na unilateral fishing ban sa bahagi ng West Philippine Sea.

Ayon sa National Task Force-WPS, ang fishing ban na ipinatutupad ng China sa karagatang nasa hilagang bahagi ng 12th parallel, epektibo mula Mayo 1 hanggang Agosto ng taong ito ay “noted”.

Pero mariing tinututulan ng NTF-WPS ang pagpapatupad ng natu­rang ban sa karagatang nasa ilalim ng hurisdik­syon ng Pilipinas.

Giit ni NTF-WPS Chairman Secretary Hermogenes Esperon, hindi kasama sa ban ang mga Pilipinong mangingisda sa karagatan ng bansa.

Hinimok naman ni Esperon ang mga lokal na mangingisda na ipagpatuloy lang ang kanilang paghahanapbuhay sa teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea.

Nanindigan si Esperon na determinado ang NTF-WPS na palawigin ang maritime patrols ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources upang itaguyod ang soberanya at karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.

FISHING BAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with