_pang-masa
^

Tan umapela sa DOH: Bakuna sa Quezon dagdagan

Joy Cantos (Pang-masa) - May 7, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umapela kay DOH Secretary Francisco Duque III ng ayudang bakuna si Dr. Angelina “Helen” Tan, kinatawan ng fourth district ng Quezon province  para mabilis na mabakunahan at protektahan ang 2.1 milyong residente ng lalawigan laban sa COVID-19.

Sa panayam kay Dr. Tan, binigyang diin ni Tan ang kahalagahan na mabakunahan agad-agad ang kanyang mga ka-lalawigan para tuluyang malabanan at mapuksa ang tumataas na bilang ng nagkakasakit ng COVID-19 sa kanyang lalawigan.

“ Sa kasamaang palad, mabagal ang pagbabakuna sa aming lalawigan. Kaya naman nananawagan nako sa DOH na tulungan naman ang aking mga kalalawigan na mabakunahan at madagdagan ang supply ng bakuna para ma protektahan na laban sa sakit ang mga taga-Quezon.”

Binigyan ng alokasyon ng Sinovac at AstraZe­neca ang probinsya ngunit ayon sa datos, wala pang alokasyon ng Sputnik V vaccines mula sa Russian Gamaleyan Institute.

Tumaas aniya ang bilang ng may sakit sa pagdagsa ng bilang ng mga may infection mula sa mga kanugnog na lalawigan tulad ng Rizal, Batangas at Laguna.

Sa kasalukuyang datos ng DOH, mayroong panibagong 791 bagong kaso ng COVID-19 infections sa Quezon sa nakaraang 14 araw.

Isang daan apatnapu’t limang kaso ng pagkamatay sa kabuuang 9,679 itinalang kaso ng COVID-19 sa lalawigan. Halos 60 porsiyento ng 26 medical facilities ng lalawigan ay okupado ng mga may sakit ng COVID-19.

Binigyaang diin din ni Doktora Tan ang kalahagahan ng pagtutulu­ngan ng pribadong sector at ng pamahalaan para sa mas epektibong paglaban sa COVID-19.

DOH FRANCISCO DUQUE III
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with