1.5 milyong karagdagang Sinovac vaccine darating sa Pinas
MANILA, Philippines — Inanunsyo kahapon ng ambassador ng Pilipinas sa China na karagadang 1.5 milyong Sinovac vaccine na tinatawag na “CoronaVac” ang darating sa Biyernes sa bansa.
Sa kanyang Facebook account, ipinakita ni Ambassador Chito Sta. Romana sa kanyang post ang ilang larawan habang nagsasagawa ng inspeksyon ang team ng Embahada ng Pilipinas sa mga kahon ng nasabing bakuna sa warehouse ng Sinovac sa Daxing, Beijing.
“A big shipment of Sinovac vaccines (1.5 million doses) will be delivered to the Philippines on Friday, May 7, 2021. A team from the Philippine Embassy in Beijing composed of First Secretary Winston Almeda, Dada Aromin & Elizabeth Del Mundo inspected the boxes of COVID-19 vaccines at the company’s warehouse in Daxing, Beijing on May 4,” ani Sta. Romana sa kanyang post.
Nauna rito, sinabi ng ambassador ng China sa Pilipinas na si Huang Xilian na 2-milyong doses ng Sinovac vaccines ang darating sa bansa ngayong buwan.
- Latest