_pang-masa
^
Paggamit ng âModernaâ aprub na ng FDA
“All conditions for an EUA are present and the benefit of using the vaccine outweighs the known and potential risks,” ani FDA Director General Eric Domingo sa Kapihan sa Manila Bay forum.
AFP/Chandan Khanna

Paggamit ng ‘Moderna’ aprub na ng FDA

Ludy Bermudo (Pang-masa) - May 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang masusing pagsusuri ng mga medical experts, inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authority (EUA) ng Moderna vaccine na panlaban sa COVID-19.

Nabatid na matapos ang 10-araw na aplikasyon sa FDA, inaprubahan agad ang aplikasyon ng Ame­rican pharmaceutical firm na Moderna.

“All conditions for an EUA are present and the benefit of using the vaccine outweighs the known and potential risks,” ani FDA Director General Eric Domingo sa Kapihan sa Manila Bay forum.

May 94 porsyento, aniyang overall efficacy rate para hindi tamaan ng COVID-19 ang matuturukan nito. Consistent aniya, na nasa 80 porsyento ang efficacy naman sa lahat ng age groups na nasa  mahigit 18 ang edad at health wor­kers, may comorbidities at matatanda.

Ang napaulat aniya, na adverse effects sa isi­nagawang clinical trials at aktuwal na pagbabakuna ay karamihan ay mild at pansamantala lang, na kapareho lang sa inaasahan kapag nabakunahan.

Pang-pito na ang Moderna sa mga naisyuhan ng EUA sa bansa, kung saan naunang nakakuha ang AstraZeneca, Sinovac Biotech, Gamaleya Institute, Janssen, Bharat Biotech at Pfizer-BioNTech.

COVID-19 VACCINE FDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with