_pang-masa
^

6 biyahero mula India, positibo sa COVID-19

Danilo Garcia (Pang-masa) - May 6, 2021 - 12:00am

6 pa pinaghahanap

MANILA, Philippines — Anim na biyahero na nagmula sa India na nagawang makabiyahe sa Pili­pinas bago pa man ipatupad ang “travel ban” habang anim pa ang pinaghahanap ngayon ng pamahalaan, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 110 biyahero mula sa India ang sumailalim sa COVID-19 testing at anim sa kanila ang nagpositibo sa virus. Isinumite na sa Philippine Genome Center ang kanilang mga samples para isailalim sa “whole genome sequen­cing”.

Tinutukoy pa naman ng pamahalaan kung nasaan na ang anim pang biyahero na dumating din sa bansa ngunit hindi naisailalim sa testing.

Matatandaan na ipinatupad ng pamahalaan ang travel ban sa mga biyahero na galing ng India o kaya may travel history nitong Abril 29 at magta­tapos sa Mayo 14. Ito ay upang maiwasan ang pagpasok sa bansa ng sinasabing Indian variant na higit umanong mabagsik o delikado.  

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with