_pang-masa
^

Unregistered nurses gawin nang health workers vs COVID — solon

Joy Cantos (Pang-masa) - May 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang mapunan ang kakulangan ng mga health workers sa bansa sa gitna ng pandemya, umapela si Speaker Lord Allan Velasco sa Department of Health (DOH) at Professional Regulation Commission (PRC) na i-tap na ang mga unregistered nurses bilang mga health workers laban sa COVID-19.

Sinabi ni Velasco na nagtapos na ng nursing, bagaman at hindi pa sumasailalim sa Board Exam ang mga unregistered nurses ay maaari silang magsilbing complementary manpower para makatulong sa kakula­ngan ng mga medical frontliners para sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan at matugunan ang kakulangan ng mga nurses sa mga ospital. 

Ayon kay Velasco, aral na ang naturang mga unregistered nurses sa kanilang propesyon na maaaring magtrabaho basta’t isuperbisa lamang ng mga registered nurse at doktor sa pamamagitan ng isang special arrangement sa PRC.

Nabatid na ipinagpa­liban ng PRC ang Nursing Board Exam ngayong taon na itinakda sana sa darating na Mayo 30 at 31 matapos namang pagbigyan ang Philippine Nursing Asso­ciation bunga na rin ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19. Ang Board Exam ay ipinagpaliban sa Nobyembre 21 at 22 ng taong ito.

Base sa data ng DOH, hanggang Abril 25 ng taong ito, umaabot sa 17,365 health workers ang na-infect ng COVID 19, 195 ay mga aktibong kaso.

Inihayag pa ng DOH na nasa 88 health workers ang nasawi habang nasa 17,082 naman ang nakarekober.

HEALTH WORKER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with