^
Locsin kumambyo, nagsori sa China
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, mismong si Locsin ang nagsabi sa kanya sa kanilang pag-uusap sa telepono na nag-sorry siya kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Presidential Photo

Locsin kumambyo, nagsori sa China

Malou Escudero (Pang-masa) - May 5, 2021 - 12:00am

Sa pagmumura, pagpapaalis sa Chinese ships sa WPS

MANILA, Philippines — Kasunod ng kanyang tahasang pagmumura at pagpapalayas sa mga Chinese vessels na patuloy na nananatili sa West Philippine Sea, tila tumiklop at nag-sorry si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa gobyerno ng China.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, mismong si Locsin ang nagsabi sa kanya sa kanilang pag-uusap sa telepono na nag-sorry siya kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

 “I was told by Secretary Locsin that he has personally apologized to the Chinese ambassador in my telephone conversation with him this morning,” ani Roque.

Naniniwala rin si Roque na si Locsin ang pinapatamaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin nito sa kanyang Talk to the People kamakalawa ng gabi na hindi dapat maging “rude” at “disrespectful” sa China sa kabila ng sigalot.

Sinabi rin ni Roque na hindi naman inatasan ng Pangulo si Locsin na mag-sorry sa China.

“The President did not asked him to apologize but Secretary Locsin did it on his own,” ani Roque.

Magugunita na nag-tweet si Locsin ng-- “China, my friend, how politely can I put it? Let me see…O…GET THE FUCK OUT. What are you doing to our friendship? You. Not us. We’re trying. You. You’re like an ugly oaf forcing your attentions on a handsome guy who wants to be a friend; not to father a Chinese province…”

Dagdag ni Roque, ayaw umano ng Pangulo na may nagmumura sa kanyang Gabinete lalo na sa larangan ng diplomasiya at siya lang ang maaaring magmura.

TEODORO LOCSIN JR WEST PHILIPPINE SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with