^
FDA: Sinopharm na itinurok kay PRRD, âdi pa napag-aralan
Sinabi ni FDA director general Eric Domingo na personal na napili ng Pangulo ang Sinopharm at pasok naman ang punong-ehekutibo sa inilabas nilang “compassio­nate special permit” para magamit ang naturang uri ng bakuna.
Tibor Rosta/POOL/MTI/AFP

FDA: Sinopharm na itinurok kay PRRD, ‘di pa napag-aralan

Danilo Garcia (Pang-masa) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Food and Drugs Administration (FDA) na hindi pa napag-aaralan kung ligtas at mabisa ang Sinopharm COVID-19 vaccine na ginamit ni Pangulong Rodrigo Du­terte dahil sa hindi pa nabibigyan ito ng ‘emergency use application (EUA).

Sinabi ni FDA director general Eric Domingo na personal na napili ng Pangulo ang Sinopharm at pasok naman ang punong-ehekutibo sa inilabas nilang “compassio­nate special permit” para magamit ang naturang uri ng bakuna.

“’Pag sinabing compassionate special permit, hindi po ‘yun authorization na binigay ng FDA. In this case, yun pong head ng PSG hospital siya ang naga-guarantee na inaral niya ang bakuna and they take full responsibility for it. Sa amin po dito sa FDA, di pa po namin na-evaluate ang bakunang iyan,” paliwanag ni Domingo.

Base naman sa ebalwasyon ng World Health Organization (WHO), ligtas umano ang Sinopharm vaccine na may similaridad sa bakuna ng Sinovac.

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na ang pagbakuna ng Sinopharm sa Pangulo ay base sa payo ng kanyang doktor at personal rin niyang pinili ito.

COVID-19 VACCINE FDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with