^
60K reklamo sa ECQ cash aid, natanggap ng DILG
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, sa kabuuang 59,669 reklamo na kanilang natanggap, 24,421 ang naresolba na, habang 39,781 pa ang under deliberation, kabilang na ang ilang naiendorso na sa mga concerned agencies.
Walter Bollozos/File

60K reklamo sa ECQ cash aid, natanggap ng DILG

Mer Layson (Pang-masa) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaabot sa halos 60,000 na reklamo ang natanggap ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na pawang may kaugnayan sa cash aid na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa mga mamamayang apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) na ipinairal sa NCR Plus mula Marso 29 hanggang Abril 11.   

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, sa kabuuang 59,669 reklamo na kanilang natanggap, 24,421 ang naresolba na, habang 39,781 pa ang under deliberation, kabilang na ang ilang naiendorso na sa mga concerned agencies.

Sinabi ng kalihim na target nilang maresolba ang lahat ng naturang reklamo bago sumapit ang May 15 extended deadline para matapos ang distribusyon.

Matatandaang P22.9 bilyon ang inilaan ng pamahalaan bilang financial assistance sa mga residenteng apektado ng ECQ sa NCR Plus areas na kinabibilangan ng National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Sa ilalim ng programa, bawat residenteng naapek­tuhan ng ECQ ay dapat makatanggap ng P1,000 o maximum na P4,000 kada pamilya.

Sinabi ng DILG chief na sa ngayon ay 74.35 porsiyento na ng halaga ang natapos nang ipamahagi sa may 17,037,122 indibidwal.

CASH AID ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with