^

Higit 1 milyong doses ng AstraZeneca darating

Danilo Garcia (Pang-masa) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa mahigit isang milyong doses ng bakunang AstraZeneca ang inaasahang darating sa susunod na buwan o Hunyo na inorder ng pribadong sektor at gagamitin para sa pagbabakuna sa kanilang mga empleyado.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na 1.3 milyon sa 17 milyong doses ng AstraZeneca vaccine na nakopo sa pamamagitan ng “tripartite deals” sa pagitan ng pribadong sektor, mga lokal na pamahalaan at iba-ibang manufacturers ang dara­ting sa bansa.

Nasa 100 kumpanya umano ang makikinabang sa parating na inisyal na suplay ng bakuna.  Kabilang sa mga naunang umorder ay ang ICTSI, Ayala, SM, Lucio Tan, Megaworld, Philippine Franchising Association, at Philippine Retailers Association,” ayon kay Concepcion.

Nag-uumpisa na rin umano ang mga pribadong kumpanya na magtayo ng sarili nilang mga “vaccination sites” para handa na sa pagdating ng mga bakuna. 

Idiniin ni Concepcion na dapat makumbinsi ang lahat ng mga empleyado sa pribadong sektor na magpabakuna para makamit ang target na “herd immunity” para lubusang makarekober ang Pilipinas sa pandemya.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with