^

Pension ng militar nanganganib, reporma ipatupad na — Salceda

Joy Cantos (Pang-masa) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbabala si 2nd District Albay Rep. Joey Salceda na nagbabadya ang krisis sa sistema ng pensiyon sa Military Uniformed Personnel (MUP) o sa mga nasa unipormadong serbisyo kung hindi kaagad ito mairereporma para maisalba.

Sinabi ni Salceda, chairman ng House Committee on Ways and Means na sa kasalukuyan ay mayroong P9.6 trilyong “unfunded reserve deficit” ang MUP dahil walang sistema ng masinop na ambag ang mga kasundaluhan sa pondo para sa pensiyon ng mga ito na higit na mataas kumpara sa mga sibilyang empleyado ng gobyerno.

Ayon kay Salceda, ang problema ay dulot ng big­laang pagtaas ng sahod ng mga sundalo at pulis na ipinatupad na walang akma o kaakibat na reporma sa kanilang MUP.

Ayon kay Salceda, hindi ito binigyan ng pansin noon sa pag-aakalang kontrolado naman ang pensiyon pero sa kasalukuyan ay nakababahala na ang gastusin dito para sa unipormadong serbisyo na higit na malaki kumpara sa MOOE (Maintenance and Other Operating Expenses).

“Nangangahulugan itong higit na malaking bahagi ng taunang budget ang napupunta sa pensiyon ng mga retirado sa halip na pagbibigay ng akmang proteksiyon ang mga nasa aktibong serbisyo,” puna ni Salceda.

JOEY SALCEDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with