^

Police Metro

6 sa 10 Pinoy nagutom dahil sa pandemya

Gemma Garcia - Pang-masa
6 sa 10 Pinoy nagutom dahil sa pandemya
Ang survey ay ginawa noong Nobyembre 3 hanggang Disyembre 3, kung saan lumalabas din na 71.7% ng households ang bumibili ng pagkain sa pamamagitan ng pa­ngungutang habang ang 66.3% ay utang mula sa mga kamag-anak o kapitbahay.
AFP/Maria Tan

MANILA, Philippines — Dahil sa maraming nawalan ng trabaho dulot ng pandemya kaya tumaas ang kaso ng kakulangan ng pagkain sa bansa.

Kasabay nito nangako naman ang Malakanyang na gagawa ng paraan para masiguro na sapat ang pagkain sa bansa.

Base sa survey na ginagawa ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI), lumalabas na 62.1% ng mga Pinoy ang nakakaranas ng moderate o severe food insecurity o kakulangan sa pagkain.

Ang survey ay ginawa noong Nobyembre 3 hanggang Disyembre 3, kung saan lumalabas din na 71.7% ng households ang bumibili ng pagkain sa pamamagitan ng pa­ngungutang habang ang 66.3% ay utang mula sa mga kamag-anak o kapitbahay.

Ayon pa sa survey, tumaas ang kakulangan sa pagkain sa pagitan ng Abril at Mayo noong nakaraang taon dahil sa pinapairal na enhanced community quarantine (ECQ)  kung saan 5,717 household na may 7,240 inbibidwal ang naapektuhan.

Sinabi naman ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, na bagama’t nalulungkot sila sa nasabing bilang ay kailangan pa rin ang survey ng Department of Science and Technology (DOST)  para malamang ang epekto ng problema ay dulot ng COVID-19.

Iginiit pa ni Nograles, na maraming Filipino ang nawalan ng trabaho at kabuhayan kaya maraming pamilya ang magugutom.

Subalit mayroon umanong programa ang administrasyong Duterte para magbigay ng trabaho at kabuhayan sa mga Pinoy.

HUNGER

PANDEMIC

POVERTY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with