_pang-masa
^

Bakuna sa Labor Day: 400 manggagawa, naturukan sa Quezon City

Angie dela Cruz (Pang-masa) - May 2, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 400 mga manggagawa mula sa ibat-ibang sektor ang naturukan na ng Sinovac Vaccine ang nasa kasabay sa paggunita sa Labor Day kahapon.

Mismong si Health Secretary Francisco Duque III ang nagturok ng bakuna bilang symbolic vaccination sa unang tatlong manggagawa na kinabibilangan ng isang market vendor, tricycle driver at OFW.

Sinaksihan ito ni Mayor Joy Belmonte na isi­nagawa sa Ground Floor ng QC Hall.

Ayon kay Sec. Duque, simultaneous sa iba’t-ibang siyudad sa bansa ang pagbabakuna sa mga manggagawa matapos itong hilingin ng Department of Labor and Employment o DOLE bilang paggunita sa Araw ng Paggawa.

Bukod sa bakuna, namigay naman ang QC LGU sa mga manggagawa ng ayuda tulad ng bigas, groceries, alcohol at mga vitamins.

Ipinakita na rin ni Belmonte kay Sec. Duque ang ‘QC Protektodo Bakuna Bus’ na siyang gagamitin para magbahay-bahay sa paghahatid ng bakuna.

Tiniyak ng Kalihim, magkakaroon ng malawakang pagbabakuna sa mga buwan ng Hunyo hanggang Agosto dahil maraming suplay ang darating na binili ng pamahalaan.

COVID-19 VACCINE LABOR DAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with