_pang-masa
^

Police Metro

Convoy ng raliyista, hinarang sa checkpoint

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napilitang magsagawa ng pagtitipon sa Welcome Rotonda para sa aktibidad ng Labor Day ang mga manggagawang magdaraos sana ng aktibidad sa Liwasang Bonifacio matapos harangin ang kanilang caravan na mga dyip sa checkpoint ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 4, sa checkpoint sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.

Na-impound din ang mga arkiladong pampasaherong dyip habang ang mga driver ay dinala sa Sampaloc Police Station.

Bago mag-alas-8:00 ng umaga nang hara­ngin ang convoy ng mga pampasaherong dyip sa panulukan ng España Boulevard at Blumentritt Street  sa Sampaloc, Maynila, na nagresulta sa pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar.

Bukod sa mga manggagawang sakay ng convoy, may pila rin ng mga puting van ang naharang sa lugar.

May mga kargang slogan at poster ang mga sasakyan na gagamitin sa kilos protesta sa Liwasang Bonifacio.

Samantala, iba’t-ibang Labor Union groups ang nakilahok sa 119th International Workers’ Day o Labor Day na naging mapayapa naman, ayon sa MPD.

Kabilang sa panawagan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ay nanawagan sa pamahalaan ng P100 daily wage subsidy para sa lahat ng manggagawa, P10,000 cash aid para sa mga nawalan ng trabaho o for displaced workers at vulnerable sectors; P15,000 production subsidy para sa mga magsasaka at wage subsidy naman para sa manggagawa nasa micro, small at medium enterprises sector.

LABOR DAY RALLY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with