_pang-masa
^
COVID-19 testing itaas sa 150K kada araw
Ito ang naging pana­wagan ni OCTA Research Group member Prof. Guido David sa pamahalaan na dapat itaas sa 75,000 ang testing sa National Capital Region (NCR) pa lamang at 75,000 sa ibang panig ng bansa. Maaari naman umanong ibaba ito kung hindi na kakikitaan ang NCR Plus ng surge ng mga bagong kaso. September 24, 2020
The STAR/Miguel de Guzman

COVID-19 testing itaas sa 150K kada araw

Danilo Garcia (Pang-masa) - April 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kailangang itaas sa P150,000 kada araw ang COVID-19 testing upang mas epektibong matukoy ang mga nagkakasakit at agad na mailayo sa ibang tao.

Ito ang naging pana­wagan ni OCTA Research Group member Prof. Guido David sa pamahalaan na dapat itaas sa 75,000 ang testing sa National Capital Region (NCR) pa lamang at 75,000 sa ibang panig ng bansa. Maaari naman umanong ibaba ito kung hindi na kakikitaan ang NCR Plus ng surge ng mga bagong kaso.

“What we’re seeing is mataas pa rin ang hospitalization. Maganda ‘yung trend na nagi-improve and we want to sustain the downward trend. May uncertainty pa rin dito because the positivity rate is still high,” ayon kay David.

Nitong mga huling araw, sinabi ni testing czar Secretary Vince Dizon na may average na 55,000 tests kada araw ang isinasagawa ng pamahalaan sa buong bansa. May pinakamataas ito na 60,000 lamang.

Bukod dito, iginiit din ni David ang importansya ng dagdag na mga nurses na mag-aalaga sa mga COVID-19 patients. Ang kakulangan sa mga nurses umano ang bottleneck sa ngayon sa mga pagamutan.

COVID-19 TESTING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with