_pang-masa
^
âExpanded testingâ panawagan ng DOH âDi mass testingâ¦
“Gusto ko lang klaruhin, hindi natin sinabi na we are not testing that’s why, kaya canto ang ating mga datos at kailangan na mag shift ng mass testing. Ang ibig ho nating sabihin, gusto nating palawakin pa ang pagte-test natin, but this is not mass testing,” saad ni Vergeire sa Laging Handa briefing.
APA/AFP/George Hochmuth

‘Expanded testing’ panawagan ng DOH ‘Di mass testing…

Ludy Bermudo (Pang-masa) - April 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nilinaw ni Health Secretary Ma. Rosario Vergeire na nananawagan sila para sa expanded testing ngunit hindi nangangahulugang magsasagawa ng mass testing.

“Gusto ko lang klaruhin, hindi natin sinabi na we are not testing that’s why, kaya canto ang ating mga datos at kailangan na mag shift ng mass testing. Ang ibig ho nating sabihin, gusto nating palawakin pa ang pagte-test natin, but this is not mass testing,” saad ni Vergeire sa Laging Handa briefing.

“Ang gagawin po natin, ’yung pagba-bahay-bahay is for us to identify immediately those individuals who are sick para matanggal natin sila kanilang bahay kung sakali at mai-isolate natin sila. By doing this, ’yung pagtetest natin is still targeted.”

Aniya, ang mga nagkasintomas at may exposure lamang sa COVID-positive patients ang susuriin.

“Pupunta tayo sa mga bahay at kung sino ’yung dapat natin i-test because they have symptoms or they were exposed, ’yun ang ite-test natin but this is not mass testing,” pahayag pa ni Vergeire.

COVID-19 TESTING DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with