^

Police Metro

DOLE dinagsa ng contact tracers applicant

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dinagsa kahapon ang opisina ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng mga aplikante ng contact tracer.

Halos 10,000 na ang nag-aplay bilang DOLE contact tracer kung saan 831 ang direktang nag-aplay sa DOLE habang  mahigit siyam na libo naman ang nag-aplay sa local government units.

Ang contact tracing hiring ay binuksan lamang sa National Capital Region (NCR), kung saan halos limang libo lamang ang kailangan na contact tracer ng DOLE.

Tinitignan na rin ng DOLE kung kaya pang dagdagan ang kanilang hiring sa contact tracer gamit ang iba pa nilang programa lalo’t interesado rin ang  ibang region.

Ito ay upang matugunan ang kawalan ng trabaho ng maraming mga manggagawa  dahil sa pandemya.

Sa datos ng DOLE, 118,210 ang natanggal sa trabaho mula Enero hanggang Marso 2021.

Ang top 5 regions na may pinakamaraming nawalan ng trabaho ay ang NCR, Region 7, Region 3, CALABARZON at MIMAROPA.

vuukle comment

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with