_pang-masa
^

Police Metro

DOE tiniyak na sapat ang suplay ng kuryente sa tag-init

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sapat ang suplay ng kuryente sa bansa sa darating na summer o tag-init kasunod ng pa­ngamba ng ilang sector.

Ito ang tiniyak ni Department of Energy (DOE) ni Secretary Alfonso Cusi sa mga pinuno ng power sector.

Sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na wala nang magiging red alert sa Luzon grid ngunit magkakaroon na lamang ng mga yellow alerts.

Sinabi naman ni Asst. Secretary Redentor Delola na pinag-aaralan nila ang iskedyul ng preventive maintenance para mas matiyak ang suplay ng kuryente sa buong 2021; lalo na sa mga buwan ng Abril, Mayo at Hunyo.

Tinawag din ng DOE ang atensyon ng ilang generation companies na nagkaroon ng outage nitong nakaraang Marso lamang at hiningian ng impormasyon kung kailan sila makakabalik sa operasyon.

ALFONSO CUSI DOE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with