^

Police Metro

7 establisyemento, natupok sa sunog

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinupok ng apoy ang pitong magkakadikit na commercial establishments sa Dove St., kanto ng Peacock St., sa Brgy. Bagong Silangan, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat, alas-9:00 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa isang commercial building na kinaroroonan ng naturang pitong commercial establishments, at pagmamay-ari ng isang Cely Lynette Arzaga, 45.

Kabilang umano sa mga unang nasunog ay ang hilera ng mga tindahan ng damit, bakery at tindahan ng itlog.

Agad na itinaas sa unang alarma ang sunog matapos itong kumalat sa mga katabi pang establisimiyento, kabilang ang isang motorshop, milk tea shop at dalawa pang stall.

Ganap na alas-10:00 ng gabi nang maapula ng mga pamatay-sunog ang apoy.

Wala namang mga tao sa loob ng gusali nang maganap ang sunog dahil sarado na rin ang mga tindahan nang maganap ang insidente.

Nabatid na isa sa iniimbestigahang sanhi ng apoy ay electrical short circuit.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with