^

Police Metro

Skyway Stage 3, libre pa rin sa mga motorista

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hangga’t kaya pa umanong balikatin ng San Miguel Corp. (SMC), na siyang nagtayo at nagpondo sa proyekto ay libre pa ring magagamit ng mga moto­rista ang Skyway Stage 3.

Ayon kay SMC Pres. Ramon Ang, hindi sila nagmamadaling makakolekta lalo na at may pandemya pa sa ngayon.

Paglilinaw pa niya, ang prayoridad nila ay ang matapos ang proyekto at makapagbigay ng maayos na serbisyo sa mga mamamayan.

“Hindi naman kami nagmamadali. Hangga’t kaya namin, kargahin po namin ‘yun,” ayon kay Ang. 

Matatandaang pormal na binuksan ng SMC ang naturang 18-km elevated Skyway Stage 3 sa publiko noong Enero 14 pa ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa sila nangungo­lekta ng toll fee. Ang Skyway Stage 3 project, na 97.68% nang kumpleto, ang siyang nagkokonekta sa North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX).

vuukle comment

SAN MIGUEL CORP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with