^

Police Metro

Sanggol na isinoli ng umampon, pinalo ng nanay, patay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang 1-anyos na sanggol na lalaki matapos ito ay hatawin ng rattan stick ng kanyang ina na nairita sa kaiiyak nito naganap sa loob ng bahay sa Taguig City, kamakalawa ng hapon.

Sasampahan ng reklamong Parricide sa Taguig Prosecutor’s Office ang suspek na kinila­lang si Christine May Dabuit y De Vera, 18-anyos, residente ng Block 129, Lot 16, Eitio Imelda, Barangay Upper Bicutan, Taguig City, na nakapiit sa Taguig Police Station.

 Sa ulat, naganap ang insidente, alas-12:30 ng hapon ng Abril 20, sa bahay ng mag-ina na kung saan ay magkatabing na-tutulog ang mga ito nang magpalahaw ng iyak ang sanggol.

Nairita ang ina sa hindi pagtahan ng anak kaya’t kumuha ito ng rattan stick at pinagpapalo hanggang sa nakitang nahihirapang huminga at isinugod sa Barangay Health Center sa Upper Bicutan.

Pinayuhan ang suspek na itakbo na sa Taguig-Pateros District Hospital, subalit idineklarang dead on arrival ang sanggol dahil sa mga pasa at hematoma.

Sa salaysay ng isang Monique Mata, 30-anyos, make-up artist, na inam­pon niya ang biktima noong 2 buwang gulang pa lang, subalit nang mawalan ng trabaho dahil sa pandem­ya ay isinoli niya ito sa suspek.

vuukle comment

SANGOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with