^

Police Metro

FDA binigyan ng Malacañang ng kapangyarihan sa pagsugpo sa iligal na nagbebenta ng Ivermectin

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibinigay na ng Mala-cañang ang kapangyarihan sa Food and Drug Administration (FDA) sa pagsugpo sa iligal na pagbebenta ng anti-parasitic drug Ivermectin sa kabila ng pagsusulong na gawin itong gamot sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nais ng gobyerno na matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng publiko at upang maiwasan ang mga “unnecessary conflicts” ang FDA ang inatasan na magsagawa ng aksiyon laban sa hindi tamang pagpapakalat ng anti-parasitic drug.

Sinabi pa ni Roque na hindi mismo matutukoy ng Philippine National Police kung anong gamot ang dapat nasa merkado kaya lahat ng sasamsaming gamot ay dapat may koordinasyon sa FDA.

Nilinaw ng Palasyo na ang ipinatitigil ay ang pagbebenta ng Ivermectin na sa halip na “for veteri­nary use” ay na-repackaged para sa tao.

Pinayuhan ng Palasyo ang publiko na sumangguni sa mga medical practitioners bago uminom ng gamot o supplements.

vuukle comment

COVID-19

FDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with