^
Pagbusisi ng PNP sa community pantries âdi iniutos â DILG
Bigo ang mga residente na madaling araw pa lang ay nakapila na para kumuha ng mga gulay at iba pang goods sa Maginhawa Community Pantry na ma-tatagpuan sa Maginhawa St., Quezon City dahil sa umano’y “red-tagging” ng mga pulis.
Miguel de Guzman

Pagbusisi ng PNP sa community pantries ‘di iniutos — DILG

Mer Layson (Pang-masa) - April 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Itinanggi kahapon ni Interior Secretary Eduar­do Año na inutusan niya ang Philippine National Police (PNP) na busisiin ang community pantries sa buong bansa.

Ang paglilinaw ay ginawa ni Año matapos na ibulgar ni Ana Patricia Non, ang organizer ng orihinal na community pantry sa Quezon City na tinatawag na ‘Maginhawa community pantry,’ ang ginawang pagkuwestiyon sa kanya ng tatlong pulis na nais umanong kunin ang kanyang contact number at inaalam maging ang organisasyon ng kanyang kinabibilangan.

Dahil sa pangyayari ay nagsuspinde na rin muna ng operasyon ang Maginhawa community pantry at humingi na rin si Non ng tulong mula kay Quezon City Mayor Joy Belmonte.

“Natatakot po ako maglakad mag-isa papun­ta sa community pantry ng alas-5:00 ng umaga dahil po sa walang basehang paratang sa amin. Gusto ko lang po talaga makatulong at sana po ay huwag niyo masamain,” ayon pa kay Non sa isang Facebook post.

“Sigurado po ma­raming tao po ang pipila sa amin pero kailangan po muna nila maghintay sa susunod na araw bago po ito maipamahagi. Lalo na po at nagkaproblema kanina ang ibang Community Pantry sa mga kapulisan,” aniya pa.

EDUAR­DO AñO PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with