^
Community pantries âwag pulitikahin
Ang mga tao ay pumila sa sinagawang community pantry sa kahabaan ng Maginhawa sa Quezon City nitong Abril 18, 2021. Ang layunin ng pantry ay matulungan ang mga nagugutom sa kasagasagan ng COVID-19 lockdon upang ang mga tao ay meron maihain sa kanilang mga tahanan at hinihikayat ang lahat na magbigay ng donasyon.
The STAR/Michael Varcas

Community pantries ‘wag pulitikahin

Gemma Garcia (Pang-masa) - April 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Huwag gamitin sa pamumulitika ang nagsulputang community pantries sa bansa.”

Ito ang apela ni Senador Win Gatchalian sa mga lokal at iba pang opisyal ng gobyerno partikular sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Sinabi ni Gatchalian na dapat pang itaguyod ang ganitong gawain upang makahikayat pa ng partisipasyon ng pribadong sektor.

Sa kanyang pananaw, sinabi ni Gatchalian na pinausbong ng community pantry ang makabagong bayanihan spirit sa mga Pilipino at ipinakita nito ang pagkakaroon ng disiplina ng mga benepisyaryo sa gitna ng kinakaharap na pandemya sanhi ng COVID-19.

Ayon pa sa senador, mas maiging manghikayat na lang ng mga donasyon o mga potensyal na donors sa community pantries upang masiguro na magtutuluy-tuloy ito habang may mga kinakapos at nangangailangan ng pang-araw-araw na food supply sa Kamaynilaan at iba pang lugar sa buong bansa.

WIN GATCHALIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with