^
Taxi driver todas sa pasahero na tinanggihang isakay
Lumilitaw sa ulat ng Antipolo City Police, bago nangyari ang krimen, dakong alas-4:30 ng madaling araw sa isang car wash, na matatagpuan sa Marcos Highway, Brgy. Mayamot ay nilapitan umano ni Gregorio si Sagusay at sinabihang ihatid siya sa kanyang patutunguhan.
STAR/File

Taxi driver todas sa pasahero na tinanggihang isakay

Mer Layson (Pang-masa) - April 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang taxi driver nang barilin siya ng pasahero na tinanggihan nitong isakay sa Brgy. Mayamot, Antipolo City, Rizal kamakalawa.

Ang biktima ay nakilala sa alyas na Regie Sagusay. Habang tuma­kas ang suspek na nakilala lang sa pangalang Rudyard Gregorio.

Lumilitaw sa ulat ng Antipolo City Police, bago nangyari ang krimen, dakong alas-4:30 ng madaling araw sa isang car wash, na matatagpuan sa Marcos Highway, Brgy. Mayamot ay nilapitan umano ni Gregorio si Sagusay at sinabihang ihatid siya sa kanyang patutunguhan.

Dahil pauwi na ang biktima matapos ang magdamagang biyahe ay tinanggihan nitong isakay ang suspek na ikinagalit nito.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa magbunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang biktima.

Nang duguang humandusay ang biktima ay mabilis itong tumakas patungo sa hindi tinukoy na direksiyon

PATAY TAXI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with