^

Distribution ng ayuda pinalawig hanggang Mayo 15

Malou Escudero (Pang-masa) - April 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — “In-extend ang deadline na makumpletong pamamahagi ng financial assistance hanggang 15 ng Mayo 2021.”

Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque, para sa pamimigay ng ayuda sa mga lugar na sumailalim sa enhanced community quarantine partikular ang Metro Manila at apat na karatig probinsiya na kinabibilangan ng Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.

Nauna rito, inatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na opisyal na dapat tapusin ang pamimigay ng ayuda sa loob ng 15 araw kung ito ay pera at 30 araw kung ito ay in-kind.

Matatandaan na inaprubahan ng Malacañang noong Marso 29 ang pagpapalabas ng supplemental aid para sa 80% ng populasyon sa Metro Manila Plus bubble. 

AYUDA DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with