^
Duterte irerespeto ang desisyon ng Kongreso kung ibabasura ang pinababang taripa sa baboy
Nauna rito, hinikayat ng mga senador si Duterte na bawiin ang kanyang Executive Order No. 128 na nagbababa ng taripa sa imported na baboy dahil papatayin nito ang lokal na industriya. Enero 5, 2020
The STAR/Boy Santos

Duterte irerespeto ang desisyon ng Kongreso kung ibabasura ang pinababang taripa sa baboy

Malou Escudero (Pang-masa) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sakaling magdesis­yon ang Kongreso na ibasura ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibaba ang taripa sa imported na baboy ay irerespeto ito ng Pangulo.

Ito ang tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque, dahil nakikinig naman ang Pangulo sa Konstitusyon at nasa kapasyahan ng Kongreso ang isyu ng taripa.

Nakikinig naman po ang Presidente. At alam naman po ng Presidente na sa ating Saligang Batas, ang talagang mayroong primary jurisdiction pagdating sa taripa ay ang Kongreso,” ani Roque.

Nauna rito, hinikayat ng mga senador si Duterte na bawiin ang kanyang Executive Order No. 128 na nagbababa ng taripa sa imported na baboy dahil papatayin nito ang lokal na industriya.

 Idinagdag ni Roque na kung magdedesisyon ang Senado at Kongreso ay tiyak na igagalang ito ni Duterte.

PORK PRODUCTS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with