^
DOLE nag-alok ng mahigit 4K trabaho bilang contact tracers
Sinabi ni Bureau of Workers with Special Concerns head Ma. Karina Perida-Trayvilla na sasahod ng P537 kada araw sa loob ng tatlong buwan ang mga mapipiling contact tracers na kumpleto sa mga ‘personal protective equipments (PPEs)’ para maging ligtas sa kanilang trabaho.
The STAR/Boy Santos, file

DOLE nag-alok ng mahigit 4K trabaho bilang contact tracers

Danilo Garcia (Pang-masa) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Para mabigyan ng trabaho ang mga apek­tadong manggagawa ngayong pandemya ay nag-alok ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng 4,754 karagdagang posisyon bilang contact tracers sa Metro Manila.

Sinabi ni Bureau of Workers with Special Concerns head Ma. Karina Perida-Trayvilla na sasahod ng P537 kada araw sa loob ng tatlong buwan ang mga mapipiling contact tracers na kumpleto sa mga ‘personal protective equipments (PPEs)’ para maging ligtas sa kanilang trabaho.

Ang mga interesadong aplikante ay dapat high school graduate, may relevant experience, at marunong gumamit ng telepono, cellphone, at internet.

Kailangang magpasa ng barangay certificate at medical certificate, at mas mainam kung residente sila ng lugar na pagtatalagahan sa kanila para hindi na sila kailangang bumiyahe at mas mara­ming kilala sa kanilang lugar.

Samantala, sisimulan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Mayo 1 ang deployment ng karagdagan pang halos 5,000 contact tracers sa Metro Manila upang tumulong sa pagsugpo ng COVID-19 sa rehiyon. - Mer Layson

DOLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with