^
Malacañang saludo sa nagsulputang community pantry
Sinimulan na rin ang community pantries sa iba’t ibang barangay sa Baguio City, tulad ng nasa larawan na pag-aari ng Studio Cafe sa #8 M.H. Del Pilar, Burnham-Legarda Road.
Andy G, Zapata Jr.

Malacañang saludo sa nagsulputang community pantry

Malou Escudero (Pang-masa) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Saludo po tayo sa lahat ng mga Pilipino at talaga naman po nagpapakita na the Filipino can and will prevail lalo na po kapag matindi ang paghamon.”

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, at ipinapakita lamang na kayang malampasan ng mga Filipino ang mga matinding hamon sa buhay.

Idinagdag ni Roque na ipinapakita rin ng community pantry ang pinakamagandang ugali ng mga Filipino na nagbabayanihan at nagtutulungan sa panahon ng panga­ngailangan.

“Well, alam po ninyo iyang community pantry that showcase the best in the Filipino character po. Iyan po ay patunay na buhay na buhay ang ating bayanihan at tayo po ay magtutulungan sa panahon ng pangangailangan,” ani Roque.

Kinontra naman ni Roque ang sinabi ni da­ting vice president Jejomar Binay na kapag absent ang gobyerno, nagdadamayan sa isa’t isa ang mga Filipino.

Nakiusap din si Roque na itigil na muna ang ba­ngayan at pairalin ang bayanihan.

COMMUNITY PANTRY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with