^

SUV nahulog sa irigasyon,13 nalunod

Raymund Catindig (Pang-masa) - April 20, 2021 - 12:00am

TABUK CITY, Kalinga, Philippines — Nasawi sa pagkalunod ang 13 katao matapos mahulog ang sinasakyan nilang SUV sa isang malalim na irigasyon sa Barangay Bulo, kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Soy Lope Agtulao, 36 kasapi ng Bureau of Jail Management and Penology- Baguio City; mag-inang Remedios Basilio, 56 at Jessabel Basilio Paycao, 27; Judilyn Dumayom,31;Sony Pu­king Lopez, 22; Alfredo Lope, 59; Cydwin Agtulao, 6; Cyan Agtulao, 4; Marlo Gel Perena, 6; Seadarn Dumayom, 5; Jeslyn Talawec Paycao, 4; at magkapatid na Scarlet Basilio Paycao, 3; at Ezverdcrick Basilio Paycao, 4.

Habang dalawa ang nakaligtas na binibigyang lunas sa Kalinga Provincial Hospital na kinila­lang sina Edith Andiso Perez, 51 at Cyril Lope Agtulao, 10.

Ayon sa report ng PNP Tabuk City, bago nangyari ang trahedya, alas-6:15 ng gabi ay sakay ang mga biktima ng isang itim na Ford Everest (AAK- 9184) at patungo sana sa Bulo Lake nang sa hindi pa natukoy na dahilan ay aksidenteng nahulog sa Irrigation canal.

Naging pahirapan sa mga sumaklolo ang pagbukas sa nakapinid na pintuan ng sasakyan dahilan upang malunod ang mga biktima.- Victor Martin

AKSIDENTE PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with