^

Erap,’di binigyan ng Ivermectin o Lianhua Qingwen ng mga doktor

Mer Layson (Pang-masa) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ni dating senador Jinggoy Estrada na hindi binigyan ng mga doktor ng Ivermectin o ng Lianhua ­Qingwen para guma­ling sa COVID-19 ang kanyang ama na dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada.

Ayon kay Jinggoy, nagkaroon silang magkakapatid ng diskusyon kung dapat bang bigyan ang kanilang ama ng anti-parasitic drug na Ivermectin ngunit tumanggi ang mga doktor dahil ito anila ay gamot lamang para sa mga hayop.

Ang Ivermectin ay matatandaang naging kontrobersiyal dahil maraming tao, kabilang na ang mga kilalang politiko, ang nagpapatunay na gumaling sila sa COVID-19 matapos na gumamit nito.

Aminado naman ang dating senador na dahil sa dami ng gamot na ibinigay ng mga doktor ay hindi na niya batid kung alin sa mga ito ang nakapagpaga­ling talaga kay Erap.

IVERMECTIN JINGGOY ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with