_pang-masa
^
Higit 600 kaso ng COVID-19 variants natukoy
Isang pamilya ang kasalukuyang naka 14 araw na quarantine sa Sto Niño Highschool sa lungsod ng Marikina sa kadahilanang ang apat sa kanilang miyembro ng pamilay ay nag positibo sa COVID-19 nitong Abril 13, 2021. Ang Lungsod ng Marikina ay ng sasagawa ng baligtad na pag quarantine at ang mga negatibo sa COVID-19 ay syang inilalayo sa mga ng positibo na miyembro ng pamilya at upang makaiwas sa lumalalang kakulangan ng mga hospital.
STAR/Michael Varcas

Higit 600 kaso ng COVID-19 variants natukoy

Danilo Garcia (Pang-masa) - April 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natukoy kahapon ng Department of Health (DOH), University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH) ang nasa 642 na mga bagong kaso ng iba’t ibang variants ng COVID-19.

Ayon sa DOH, nasa 266 bagong kaso ng B.1.1.7 o UK variant ang natukoy; 351 bagong kaso ng B.1.351 o ang South African variant at 25 bagong kaso ng P.3 variant o ang sinasabing Philippine variant.

Sa 266 kaso ng South African variant, 11 dito ay mga “returning Overseas Filipinos (ROFs), 188 ang lokal na mga kaso at 67 pa ang kasalukuyang bineberipika ng pamahalaan.

Walo na dito ang mga nasawi, 204 ang nakarekober at 54 pa ang kasalukuyang aktibo.

Sa 351 kaso ng South African variant, 15 ang ROFs, 263 ang lokal na kaso at 73 pa ang bineberipika. Apat na pasyente na ang nasawi, 293 ang nakarekober at 54 kaso pa ang aktibo.

Sa 25 P.3 variant, dalawa ang ROFs, 21 ang lokal na kaso at dalawa pang kaso ang bineberipika. Nasa 24 kaso ang nakarekober na at isa na lamang ang nananatiling aktibo.

Muling iginiit ng DOH na ang P.3 variant ay hindi pa tinutukoy na “variant of concern” dahil hindi pa sapat ang hawak nilang datos upang masabing may seryosong epekto sa kalusugan..

COVID-19 VARIANT DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with