_pang-masa
^

Baguio muling binuksan sa turista

Mer Layson (Pang-masa) - April 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinasasalamatan ng grupong “Turismo Isulong Mo” si Baguio City Mayor Benjamin Ma­galong dahil sa muling pagbubukas ng lungsod sa mga turista.

Sinabi ni Turismo Spokesman Edmundo Mayormita, na sinasaluduhan ng kanilang grupo si Mayor Magalong sa muling pagbubukas ng turismo sa kanyang nasasakupan kahit nasa GCQ pa lang sila.

Anya, tiyak hindi lang ang kita ng lungsod ang nasa isip ni Magalong kundi pati na rin yung daan-daang mga miyembro ng Turismo na nawalan ng trabaho sa pagsasara ng turismo sa Baguio.

“Sana tularan ng ibang mga mayors si Mayor Magalong na buksan ang kanilang mga lugar sa tu­rismo para makabalik na ang mga manggagawa sa trabaho,” dagdag pa ni Mayormita.

Batid ng Turismo ang pangamba ng mga alkalde na baka kumalat ang COVID sa kani-kanilang nasasakupan kung kaya hindi pa sila tumatanggap ng mga bisita.

“Bakit hindi ba takot si Magalong sa COVID? Siyempre siguraduhin mo na susunod sa mahigpit na health protocols ang mga bisita bago mo sila papasukin tulad sa Baguio,” dagdag ni Mayormita.

TOURIST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with