^
Umaatras sa bakuna âdi pipiliting magpaturok -- DOH
Sa kabila nito, kina­kausap pa rin aniya ng mga counselors ang mga tumatanggi sa bakuna at pinagpapaliwanagan kung ano iyong magi­ging bene­pisyo nito para sa kanila.
The STAR/Michael Varcas

Umaatras sa bakuna ‘di pipiliting magpaturok -- DOH

Malou Escudero (Pang-masa) - April 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos na murahin at tawaging hambog ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang mga ayaw magpabakuna, siniguro naman kahapon ng Department of Health (DOH) na hindi nila pipilitin o pupuwersahin ang mga taong umaatras sa bakuna laban sa COVID-19 sa mismong araw na sila ay tuturukan.

Ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroon talagang mga tao na ayaw magpaturok sa mismong araw kung saan sila ay naka-iskedyul na babakunahan.

Sinabi ni Vergeire na tinatawag nila ang mga ito na “deferrals” at iba’t ibang klase ang mga ito.

“So these are what we call deferrals ‘no. So mayroon hong iba’t ibang klaseng deferrals, ang isa diyan ito pong refusing ‘no, refusing on the day of vaccination itself,” ani Vergeire.

Hindi aniya pinipilit ang mga deferrals dahil boluntaryo naman ang pag­papabakuna.

“So kapag ganiyan po, hindi ho natin sila pini­pilit.. because this is really­ purely voluntary,” ani Vergeire.

Sa kabila nito, kina­kausap pa rin aniya ng mga counselors ang mga tumatanggi sa bakuna at pinagpapaliwanagan kung ano iyong magi­ging bene­pisyo nito para sa kanila.

 

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with