^
MECQ âdi epektibo, COVID-19 growth rate tumaas -- OCTA
Sinabi ni David na bago isailalim sa ECQ ang Metro Manila at mga kalapit lalawigan ng Laguna, Rizal, Bulacan at Cavite, ang growth rate ng infections ay nasa 60 percent.
The STAR/Miguel de Guzman

MECQ ‘di epektibo, COVID-19 growth rate tumaas -- OCTA

Angie dela Cruz (Pang-masa) - April 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muli umanong tumaas­ang “growth rate” o kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) Plus matapos na ipatupad ang modified enhanced community quarantine (MECQ) mula sa pinakamahigpit na ECQ.

“It’s still too early to say, puwede pang ma-reverse pero sa totoo lang, we are getting very concerned na the MECQ is not working. We’re just being transparent about the data,” pahayag ni professor Guido David ng OCTA Research Team.

Sinabi ni David na bago isailalim sa ECQ ang Metro Manila at mga kalapit lalawigan ng Laguna, Rizal, Bulacan at Cavite, ang growth rate ng infections ay nasa 60 percent.

Bumaba umano sa 20% ang growth rate nang ipatupad na ang ECQ at negative growth rate naman ang naobserbahan sa ikalawang linggo ng ECQ.

Aniya, nang bahagyang luwagan ang quarantine restrictions sa Metro Manila at ilagay sa MECQ , nagsimula na namang tumaas ang growth rate ng COVID-19.

“Pero this week, nawala na ‘yung negative growth rate. Suddenly, naging positive na naman ‘yung growth rate sa NCR. It increased to 4 percent compared sa last week. Nag-change ‘yung indicators, and that’s very concerning,” dagdag ni David.

Pinalalagay ni David na dapat na i-extend pa ang ECQ para tuluyang mapababa ang kaso ng hawahan ng virus.

“Now, maybe the MECQ is not working. So we will know more, lalo na we will see the numbers today and tomorrow and by Monday, if they continue to be higher than what we’re expecting, it might be na ‘yung (that the) MECQ is actually not working,” paliwanag ni David. — Ludy Bermudo

 

MECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with