^

Egyptian bomber, 2 pa dedo sa engkuwentro

Joy Cantos (Pang-masa) - April 18, 2021 - 12:00am

Suspek sa Cathedral twin bombing

MANILA, Philippines — Patay ang isang Egyptian suicide bomber at dalawa pang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) na nasa likod ng madugong kambal na suicide bombing kabilang ang pagpapasabog sa Jolo Cathedral noong 2019 at 2020 matapos makaeng­kuwentro ang tropa ng militar sa Patikul, Sulu kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Philippine Army-11th Infantry Division (ID) at Joint Task Force (JTF) Sulu commander Brig. Gen. William Gonzales ang napatay na dayuhan na isang alyas “Yusop”, habang isa sa da­lawang Abu Sayyaf trained bomb makers na kasama sa mga napaslang ang natukoy na si Abu Khattab Jun­dullah alyas Saddam at ang isa ay patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan.

Bandang alas-10:45 ng gabi noong Biyernes nang makasagupa ng tropa ng 1102nd Infantry Brigade sa ilalim ng 11th ID ang grupo ni Yusop sa liblib na lugar sa Brgy. Igasan, Patikul. Tumagal ng mahigit 10 minuto hanggang sa umatras ang mga bandido at inabandona ang tatlong napatay.

“These three terrorists­ are under the group of Mudzrimar “Mundi” Sa­wadjaan, who is the behind the twin suicide bombings in Jolo in August 2020 as well as the Jolo Cathedral bombing in January 2019,” paha­yag ni Gonzales.

Ang naturang Egyptian­ terrorist ay nagsasanay umano ng bomb making at terror attack sa mga bandidong Abu Sayyaf.

Ayon kay 1102nd IB commander Col. Benja­min Batara, tinutugis na ng kanilang tropa ang grupo ni Mundi.

Narekober sa lugar ang isang M653, isang M203, isang R4 na may scope, walong magazine, isang maikling magazine, 85 rounds ng M16 ammunition, isang round ng M203 ammunition, dalawang bandoliers at mga personal na kagamitan.

ABU SAYYAF GROUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with