^

Sotto umiinom ng Ivermectin

Malou Escudero (Pang-masa) - April 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kabila na hindi pa tuluyang kinikilala ang Ivermectin na gamot para sa COVID-19, inamin ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ito ang kanyang iniinom upang maprotektahan ang kanyang sarili laban sa nasabing sakit.

Sa panayam sa DWIZ, sinabi ni Sotto na umiinom siya ng Ivermectin na isang anti-parasitic na gamot, isang beses tuwing ikadalawang linggo.

“Ako umiinom din ako once every two weeks,” ani Sotto.

Ayon pa kay Sotto, mga doktor na ang nagsabi na prevention na muna ang gawin habang kulang pa ang bakunang dumarating sa bansa.

Mayroon din aniya siyang kakilala na nagkaroon ng COVID-19 at tatlong araw na uminom ng Ivermectin at sa pang apat na araw ay natanggal ang mga sintomas.

 Idinagdag ni Sotto na walang pakialam ang Food and Drug Administration kung ano ang ilalagay niya sa kanyang katawan.

Kinalampag din ni Sotto ang Department of Health na hangga’t wala pang sapat na bakuna ay humanap ng puwedeng maging lunas dahil marami naman ang puwedeng subukan.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with