^

Police Metro

Mga ayaw magpabakuna, hambog! — Duterte

Malou Escudero - Pang-masa
Mga ayaw magpabakuna, hambog! � Duterte
Nakapila ang mga residente ng San Mateo, Rizal upang kumuha ng libreng bakuna mula sa gobyerno na ginananap sa Sinehan ng isang gusali nitong Abril 12, 2021 at ang mga naka kuha ng ng bakuna ay ang pumapailalim sa kategorya ng A1 at A3 na bigay ng Department of Health.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Minura at tinawag pang hambog ni Pangulong Rodrigo­ Duterte ang mga mamamayan na ayaw magpa­bakuna laban sa COVID-19.

Sa kanyang Talk to the People kamakalawa ng gabi, sinabi ni Duterte na “mamatay na ng limang beses” ang mga tumatanggi sa bakuna na posibleng ilang beses na makahawa kapag tinamaan ng COVID-19.

“If I were to talk to you in the gutter language, sabihin ko sa iyo, ‘p***** i** mo, mamatay ka na kung gusto mo limang beses, ang problema ang mahawa mo,” ani Duterte.

Tinawag din ni Duterte na hambog ang mga tuma­tanggi sa bakuna.

“May mga iba diyan na ayaw talaga magpabakuna, eh ‘di okay na lang ‘yan sa akin. Ang problema kung ma­kahawa ka. The problem with being a bravado, ‘yang hambog, sabihin mo ‘eh ayaw ko kasi hindi naman ako naniniwala diyan,” ani Duterte.

Una rito, sinabi ni Duterte na okay lang sa kanya kung mayroon talagang ayaw magpabakuna na hindi naniniwala na mahahawa sila ng virus.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with