^

Police Metro

Biyahe ng LRT-2 pinaiksi sa loob ng 2 linggo

Mer Layson - Pang-masa
Biyahe ng LRT-2 pinaiksi sa loob ng 2 linggo
Batay sa abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), nabatid na ang pinaikling operasyon ng LRT-2 ay magsisimula bukas, Abril 17, at magtatagal hanggang Abril 30.
The STAR/Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Kasunod nang patuloy na pagdami ng naitatalang COVID-19 cases sa mga kawani ay magpapatupad ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng shortened operations sa loob ng dalawang linggo.

Batay sa abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), nabatid na ang pinaikling operasyon ng LRT-2 ay magsisimula bukas, Abril 17, at magtatagal hanggang Abril 30.

Layunin nitong matiyak ang kaligtasan at proteksiyon ng kanilang mga commuters at mga personnel ngayong panahon ng pandemya.

Sa mga naturang araw, bibiyahe lamang ang mga tren ng LRT-2 mula 6:00AM hanggang 6:00PM.

Nabatid na ang orihinal na first trip ng LRT-2 ay 5:00AM habang ang huling biyahe nito ay umaalis ng 8:30PM sa Santolan Station habang 9:00PM naman mula sa Recto Station.

Inaasahan namang magbabalik ang regular operating­ hours ng LRT-2 sa Mayo 1, 2021.

Sa pinakahuling tala ng DOTr, hanggang 5:00PM ng Abril 12 ay umaabot na sa 786 na rail workers ng apat na rail lines sa Metro Manila ang nagpositibo sa COVID-19.

Ang LRT-2 ang siyang nagdudugtong sa Claro M. Recto sa Maynila at sa Santolan, Pasig City.

vuukle comment

LRT-2

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with