^
Reproduction rate ng COVID-19 sa Metro Manila, mapapababa sa 0.1
Ito ang nakikitang solusyon ng OCTA Research para bumagal ang pagkalat ng virus mula sa episentro ng virus sa bansa ay ang palakasin at pabilisin ang pagbabakuna.
The STAR/Edd Gumban, file

Reproduction rate ng COVID-19 sa Metro Manila, mapapababa sa 0.1

Danilo Garcia (Pang-masa) - April 15, 2021 - 12:00am

Kapag 1 milyong na ang bakunado…

MANILA, Philippines — Kapag nakapagba­kuna na ng isang mil­yong residente ang Metro Manila na episentro ng COVID-19 infection sa bansa ay magagawang mapababa sa 0.1 ang COVID-19 reproduction rate.

Ito ang nakikitang solusyon ng OCTA Research para bumagal ang pagkalat ng virus mula sa episentro ng virus sa bansa ay ang palakasin at pabilisin ang pagbabakuna.

“Based sa aming simulations, pagnag-vaccinate tayo ng 1 million people (sa NCR), mapapababa ang reproduction number by 0.1,” wika ng grupo.

At posible ang flattening of the curve ng COVID-19 cases kapag nakapagbakuna ng 2 milyong residente sa NCR.

Nagsimula ang vaccination program ng Pilipinas nitong Marso 1 at hanggang sa ngayon ay nakapagbakuna na ng 1.2 million doses ng CO­VID-19 vaccine.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with