^
2 sakay ng motor tepok sa trak
Ang dalawang nasawi dahil sa mga natamong sugat sa ulo at katawan ay kinilalang sina Marvin Malabanan, 19, binata, factory worker, ng Barangay Malabanban Sur’ at Teody Quilope, 26, binata, cellphone technician ng Barangay Masin Sur.
STAR/File

2 sakay ng motor tepok sa trak

Tony Sandoval (Pang-masa) - April 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang rider at kanyang angkas matapos na makabanggaan ang kasalubong na trak sa National Road, Brgy. Mangilag Sur, Candelaria, Quezon, kamakalawa ng gabi.

Ang dalawang nasawi dahil sa mga natamong sugat sa ulo at katawan ay kinilalang sina Marvin Malabanan, 19, binata, factory worker, ng Barangay Malabanban Sur’ at Teody Quilope, 26, binata, cellphone technician ng Barangay Masin Sur.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-8:20 ng gabi ay patungo sa direksyon ng Bicol Region ang tractor head na minamaneho ni Ronnie Orendain, 56 ng Sta. Elena Camarines Norte nang makabanggaan nito ang humahagibis na Euro motorcycle ng mga biktima.

Sa lakas ng impact ay kapwa tumilapon ang mga biktima na naging sanhi ng kanilang dagliang kama­tayan.

Nasa kustodya na ng lokal na pulisya ang tsuper ng trak.

AKSIDENTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with