^

DFA maghahain muli ng diplomatic protest vs China sa isyu sa WPS

Malou Escudero (Pang-masa) - April 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling maghahain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs sa China ukol sa pananatili ng nasa 200 barko nito sa West Philippine Sea.

“Changing my policy of acting only on NTF requests @DFAPHL FIRE A DIPLOMATIC PROTEST NOW,” batay sa isang tweet ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Ito ay matapos iulat ng National Task Force on the West Philippine Sea (NTF-WPS) na nananatili ang mga barko ng China sa iba’t ibang parte ng WPS kung saan tatlo sa mga ito ay warships.

Nakita rin ang dalawang barko ng People’s Libe­ration Army Navy sa Bajo de Masinloc.

“All these warships of the PLA Navy contribute to the militarization of the area,” pahayag ng task force.

Giit pa ng NTF-WPS na hindi lamang banta sa seguridad ang pananatili ng mga barko ng China pati na rin sa mga lamang-dagat ng bansa.

Pinatawag na rin ng DFA ang ambassador ng China upang pag-usapan ang patuloy na presensya ng mga barko nito sa karagatan ng Pilipinas. - Doris Franche

DFA WEST PHILIPPINE SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with